Middle East is home of Arab people, a totally different culture most are Muslims, if you work in this country you need to obey some rules, a very strict rules.
Why Filipinos working in Middle East? Back in 80's when oil discovered in this countries those country become rich. A lot of opportunities to work specially for Filipinos. A promise of the good salary working away from their families. Filipino workers flood to Middle East, an opportunity of a lifetime. Even now still many Filipinos working in Middle East, majority in Saudi Arabia.
Pero tama ng ang english. Pumunta tayo sa punto ko. Ano ba ang bansa na maganda magtrabaho sa middle east? As my experience at narinig ko sa mga OFW nating mga kabayan ang Oman, Qatar, Dubai or UAE at Bahrain ang magandang lugar na pwede nating piliin na pagtrabahoan sa gitnang silangan. I discourage Saudi Arabia, bakit? Swertehan sa Saudi lalo na sa mga DH workers yung mga yaya, pagnapunta ka sa gagong amo tiyak kawawa ka, pag napunta ka sa pangit na kompanya babaratin ka sa sweldo. Minsan ang mga kompanya at amo sa Saudi Arabia hindi sinusunod ang mga panuntunan ng kontrata na pinirmahan mo sa Pilipinas. Binabaan ang sahod o inaabuso ang mga Pilipino.
Oman ang isa sa mga pinakamababait na Arabo sa mundo kaya maganda pag sa Oman ka napunta. Bilang lang din ang kaso ng pang-aabuso o abusadong kompanya. UAE isa din sa pinakamagandang puntahan at magtrabaho marami din oportunidad sa bansang ito lalo na sa Dubai. Ang Bahrain naman ay masasabi kung halos parehas lang sa Oman.
Sa Qatar na isa sa mga bansa na marami pang deposito ng langis at maraming job orders sa bansang ito. Papa-unlad palang ang Qatar at marami na din mag Pilipino ang nakakuha ng magandang trabaho sa bansang ito.
Ang pagtratrabaho bilang OFW ay hindo madali at kilangan ng tibay ng loob, pero kung may maganda naman oportunidad kahit sa Saudi Arabia pa yan at kilangan mo ng trabaho kilangan mong magtiis, malay mo maganda pala ang mapuntahan mong trabaho. Basta wag lang natin kalimutan na lage mag dasal, maging matiisin, pasensya, at pakikisama yan mga bagay na dapat natin gawin para tayo magtagumpay, magtagal at matapos ang kontrata. Pagkatapos ng kontrata at maka-ipon na pwede tayo magnegosyo.
Pero ang desisyo ay nasasa inyo. Sa mga nagbabalak mag-abroad kilangan echeck ninyo sa POEA ang trabaho o job order bago kayo pumirma o magbayad sa agency. Kabayan tiwala lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento