Pagnarinig ninyo ang pangalan ng bansang Qatar, ano ang nasa isip ninyo agad? Maharil papasok agad sa isip ninyo na ito ay bansa ng mga Arabo or Muslim, istrikto, maramibg bawal o baka hindi maganda doon. Marami tayong mga kabayang Pilipino na nagtratrabaho sa Qatar at siguro isa na sa mga dahilan para masabi natin maganda magtrabaho sa bansan ito dahil maramo tayong kababayan na nanantili magtrabaho dito.
Maliit lang na bansa ang Qatar, ito ay matatagpuan sa gitnang silangan o Middle East kung tawagin. Ang Qatar ngayon ay nangunguna sa mga bansa sa mundo sa pinakabilis na pag-angat ng kanilang ekonomiya. Madami silang deposito ng langis na siyang dahilan ng pagyaman ng bansang ito.
Balik tayo sa tanung kung maganda ba magttabaho sa Qatar? Para sakin maganda sa Qatar dahil papaunlad pa na bansa ito at maraming job orders na naghihintay para sa mga Pilipino. Sa sahod depende na rin yan sa qualification mo o ano skills mo.
Pero isa sa mga magandang mangyari sayo sa Qatar ay kung matapos mo ng kontrata mo pagkatapos ng dalawang taon ay pwede ka na nakalipat o makapili ng bago mong trabaho depende na rin kung gusto mong umalis o naliliitan ka sa sahod mo sa una mong trabaho. Pagkatapos ng iyong unang kontrata pwede ka makapili ng trabaho na pwede ka kumita ng malaking o higit pa sa una mong trabaho. Basta wag ka muna umuwi sa Pilipinas pagkatapos ng kontrata. Isa sa magandang gawin ay 6 months bago ka mag end of contract maghanap ka na ng bagong trabaho sa Qatar. Marami naghihire ng direct sa Qatar lalo na pagnandoon ka na kesa maghiring pa sila sa Pilipinas, minus gastos na kasi yun sa kanila. Saka pagganito na kalakaran makakakuha ka ng magandang sahod.
Marami tayong kabayan sa Qatar sigurado marami ka pwede maging kaibigan pagnakapagtrabaho ka na sa Qatar. Home sick o pagkalungkot ay hindi maiiwasan pero kilangan natin magtiyaga at magsipag para sa ating pamilya. Dasal at tiwala sa Diyos palagi para makamit natin ating mga minimithi.
Basta pagnasa ibang bansa ka na kilangan mong sundin ang mga batas halimbawa sa Qatar, pag-inum ng alak ay isa pinagbabawal. Pagkain ng baboy, kahit magdala ka ng hilaw na baboy galing sa pinas ay wag na po subukan pagnahuli ka sa airport ay malaki pa magiging problema mo. Tiis lang ng dalawang taon at kung makaka-uwi kana sa Pilipinas ay matitikman mo rin ang mga iyan.
Goodluck sainyo kabayan at sana makanahanp kayo ng magandang trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento