Ang bansang Oman o Sultanate of Oman ay isa sa parte ng mga bansa sa Middle East or Gitnang Silangan. Islam ang kanilang relihiyon, mga muslim ang mga tao dito or arab people kung tawagin, o pwede naman Omani. Pinamumunuan sila ng Sultan bilang kanilang lider.
Bakit maganda magtrabaho sa Oman? Ang sagot ko ay mababait ang mga local na naninirahan dito o mga Omanj kung tawagin. Basi na din sa akin karanasan ng nagtrabaho ako sa bansang ito, marahil nakukumpara ko sila sa ibang arabs kagaya ng sa Saudi, Emirate, Kuwaite, at Qatari. Lahat halos ng arabs ay nakahalobilo o naging customer ko na at ang Omani ang isa sa pinakamabuti, magalang at masayahing arabo nakilala ko. Mababait sila, matanung, madaling pakibagayan. Hindi sila bastos, mahilig sila bumati kaya pag sa Oman ka nagtrabaho malaki ang posibilidad na mapupunta ka sa mabuting amo.
Tested ko na mga ugali ng Omani. Alam ninyo na ang Oman ang isa sa pinakaligtas na lugar sa gitnang silangan. Simple lang din ang pamumuhay nila. Local din ang kanilang mga taxi driver, hindi gaano mayamang bansa ang Oman kaya marami sa mga Omani ay nagtratrabaho kasama ang ibang nating kabayan. Ang Oman talaga ang nirerekomenda kung bansa kung gusto mo mag-abroad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento