Maganda ba magtrabaho sa Croatia? Yan siguro maiisip mo kung nais mo mag-apply ng trabaho sa Croatia. Pero Europe na kasi to habang may pagkakataon na maka-apply bakit hindi subukan. Ang pagaabroad naman ay swertehan, minsan mapupunta ka sa magandang trabaho, magandang sweldo meron naman din minalas.
Balik tayo sa Croatia, recently lang naman nag open ang Croatia para sa mga Pilipino. Marami opportunidad dito lalo na sa mga factory, Hotels, Farms, at Restaurants o Domestic helper. Turismo ang pangunahing negosyo sa Croatia at isa ito sa rason ng pag-angat ng kanilang ekonomiya. Ang sahuran sa Croatia ay hindi bababa sa 500 euros hanggan 800, malaki na yan kung iisipin basta libre pabahay, transportation at pagkain. Medyo mahal nga lang bilihon sa Croatia kaya kilangan din matipid tayo kabayan. Dapat marunong tayo mag-ipon, maaari ka din mag invest o magnegosyo sa Pilipinas habang nasa abroad.
Nag open ang Croatia ng job hiring sa Pilipino kasi mababa ang pwede nila ipasweldo sa ating mga Pinoy saka nakita nila na iba magtrabaho ang mga Pilipino. Bukod pa riyan maliit lang ang kanilang populasyon at marami sa Croatian ay pinili din magtrabaho sa ibang bansa kagaya ng Germany kasi sa mataas din na pasahud. Ayaw na rin ng mga batang Croatian na magtrabaho sa farm.
Isa sa mga requirments sa sahod sa Croatia ay ang pagbabayad ng tax, pension at insurance. Isa din ito sa mga reklamo ng iba na pagdating nila sa Croatia, nababawasan pa kasi ang sahod ng iba. Malaki din ang bawas sa insurance at pension, dahil batas ito sa kanila kahit hindi mo naman mapapakinabangan ito kung hindi ka naman dito tatanda sa Croatia.
Pero mababait ang majority sa mga tao dito, hindi nga lang lahat marunong mag englis pero matototo ka rin sa katagalan sa kanilang salita.
So ang tanung ulit maganda ba sa Croatia? Oo maganda, nasa Europe kana kung sakaling matanggap ka at pwede kapa maging citizen sa Croatia. Basta tiis lang at enjoy ang trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento